Thursday, September 23, 2010

Be wealthy and Be NUSKIN!

Sabi ng mga magulang ko nung bata pa ako "Anak mag-aral ka ng mabuti ha kc ito lang ang maipapamana ko sayo na kayamanan at pag nakatapos ka na eh maghanap ka ng magandang trabaho at sipagan mo ng sobra para mapromote ka at pag napromote ka eh sipagan mo ulet ng sobra para mapromote ka."

Karamihan sa atin eh ito ang sinasabi sa atin ng mga magulang kung saan ang kopseptong ito ay namana natin sa atin pang mga ninuno. Marahil nung panahon nila eh napakahalaga ng makatapos sa pag-aaral sapagkat ito talaga ang mag-aahon sa kanila sa kahirapan.

Tama! mahalaga pa rin ang pag-aaral pero sa pananaw na "ang pag-aaral ang mag-aahon sa kahirapan" eh hindi na ito angkop sa panahong ito. Ang pag-aaral natin ay isang sangkap na lang para magkaroon tayo ng malaking chance na makahanap ng trabaho at makuha ang ating serbisyo ng mga malalaking kompanya. Walang kasiguraduhan ang trabaho ngayon. Hindi nito kayang ibigay ang seguridad ng ating kinabukasan.

Ang hinihingi nating seguridad ay nakasalalay sa atin. Kung hindi tayo gagawa ng hakbang at kikilos ay walang mangyayari sa atin. Maawa tayo sa ating kinabukasan.Wag nating hayaan na kontrolin ang ating buhay ng iba bagkus tayo ang magkontrol sa ating buhay.

Maraming paraan! Maraming hakbang! ang kulang na lang ay ang sarili natin.